top of page

 

PANIMULA/KALIGIRAN:

            “Media” ang pangunahing daluyan ng ating pambansang wika, o ang mga bersyon nito tulad ng kokyal na tagalog, taglish o balbal. Sa mga pagtatanghal sa telebisyon at sa mga radyo ay ginagamit ang mga salitang balbal para sa kanilang konseptong komedya para sa ikaaaliw ng kanilang manunuod at tagapakinig. Kaya ibinaba ng maraming taga medya ang lebel ng usapan sa radyo, telebisyon at kahit sa “social media” para sa nga “karaniwang tao” o “masa” na tila mababaw ang kasiyahan.

 

            Ang medya ay isa pang malawak na instrumento na ginagamit ng mga tao sa pang araw-araw nilang pamumuhay. Isa ito sa mga pinaka importanteng bagay na hindi mawawala. Ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa medya ay dapat wasto. Pero ngayon na moderno na ang ating panahon, ang mga kabataan ay ginagamit na ang salitang impormal o balbal. Kaya uso sa mga social media ang mga abbreviation lamang ang ginagamit, kaysa sa mas pormal na salita.

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN:

Larawan:

              “WIKA: KOMEDYA SA MEDYA”. Ito ang aming pamagat dahil ang mga tao ngayon ay gumagamit ng mga usong salita ngayon o balbal, dahil nasa modernong panahon na tayo. Lalo na ang mga kabataan ngayon na napapanuod nila sa telebisyon o sa social media na kadalasan na ginagamit ng mga paborito nilang artista. Kalimitan ang ibang balbal na salita ay nakakatawang pakinggan, kaya iniisip ng mga matatanda na ito may masamang salita.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN:
 

             Ang pinagmulan ng ideyang ito ay ang halos lahat ng tao ay mahilig sa komedya kahit anong edad ay mas gusto ang temang komedya kaysa sa ibang kategorya, ito din ay pampamilyang dyanra dahil kilala ang mga pilipinong “Family Oriented” kaya ito ang pinakamataas na ratings pagdating sa mga Pilipino. At dahil sa kabataan, naisip naming na medya na lamang an gaming adbokasiya dahil halos lahat ng kabataan ngayon ay mahilig sa mga social media at laging alam ang uso.

 

                Ang mithiin ng adbokasiyang ito ay mapasaya at mabigyang aliw ang mamamayan upang maibsan ang kalungkutan na nadarama. Ngayon na moderno na ating panahon, madaming umusbong ang mga bagong salita na ginagamit ngayon ng mga kabataan, kaya hindi maiiwasan na makalimutan na ang mga salitang pormal o ang mga ginagamit ngayon ng mga matatanda na hindi sumasabay sa uso ng mga kabataan. Pero naniniwala din kami na mas mapapabuti para sa kanila ang pagsasalita sa pormal na paraan, ngunit hindi ito masusunod dahil sa medya mas lalo itong magiging “in-demand” sa pagdating ng mga susunod na mga taon.

 

            Ang layunin ng komedya sa medya ay upang mabigyan ng aliw at kasiyahan ang mga taong nanunuod at nakikinig sakanila at upang maiwasan ang pagkainip at pagkabagot ng mga manunuod. Upang alamin ang perspekto ng mga manonood hinggil sa paggamit ng impormal na wika o balbal sa medya, at upang masuri ang mga epekto ng wikang ginagamit sa larangan ng media sa mga manunuod.

 

DISENYO NG ADBOKASIYA:
 

           Ang nais namin sa aming blog ay maging masaya ang magbabasa nito at hindi minip ang mga magbabasa. kaya nilagyan namin ito ng litrato tungkol sa medya at komedya, nakung saan ito ay magsisimbolo ng pamagat ng aming adbokasiya at  nais din naming lagyan ito mga halimbawang mga salita at vidyo para maaliw ang mga bibisita dito sa aming blog. 

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA:
 

           Ang magkakaroon ng benebisyo dito ay ang mga mamamayan, dahil sa mga salitang balbal mas madali nilang naiintindihan ang mga nais iparating ng mga taga-media. Ang inaasahang resulta ay mas tangkilikin ito ng mga manunuod o sa mga nakikinig sa mga susunod na panahon dahil sa kadahilanang mas madali nilang mauunawaan ang kanilang pinapanuod o pinapakinggan.

Ibigay ang iyong Suhestiyon:

Name *

Email *

Subject

Message

Success! Message received.

© 2023 By The Comedian.  |  Proudly created with Wix.com

  • Wix Facebook page
  • Wix Twitter page
  • YouTube Classic

As seen on:

bottom of page